DENGVAXIA VACCINE | Posibleng naganap na korapsyon sa pagbili ng bakuna, tinututukan ng NBI

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na tinututukan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anggulong may naganap ding graft and corruption sa 3.5-billion dengvaxia vaccine program.

Sinabi ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre II na bukod pa ito sa criminal liability ng mga mga opisyal na nasa likod ng naturang anti-dengue vaccination program ng Department of Health (DOH).
Muli ring nanawagan ang DOJ sa mga magulang o pamilya ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia na makipag-ugnayan sa kanila sakaling nakakaranas ng problema sa kalusugan ang kanilang mga anak.

Ayon kay Aguirre,malaking tulong sa imbestigasyon ng NBI ang salaysay ng kaanak ng mga nabakunahan ng Dengvaxia.


Facebook Comments