Deniece Cornejo at Simeon Raz, ikinulong na sa CIW sa Mandaluyong at NBP sa Muntinlupa City

Courtesy: Taguig CPS

Nakakulong na sa Correctional Institution for Women’s (CIW) ang convicted model na si Deniece Cornejo.

Habang dinala naman kagabi ang businessman na si Simeon Raz sa hiwalay na kulungan sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon Kay Taguig Police Chief Col. Christopher Olazo, dinala sa magkahiwalay na kulungan ang dalawang akusadong sina Cornejo at Raz matapos silang sumailalim sa medical examination, booking procedure at court clearance.


Kung maaalala, kahapon lamang hinatulan ng Taguig RTC ng reclusion Perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo ang mga akusadong sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Simeon Raz at iba pa dahil sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng actor host na si Vhong Navarro.

Facebook Comments