Manila, Philippines – Nakatakdang umalis sa Pilipinas sa Sabado, Nobyembre 3 si Australian missionary sister Patricia Fox.
Ito ay matapos i-denied ng Bureau of Immigration (BI) ang kaniyang application for extension of temporary visitor visa.
Giit ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), aalis si Sister Fox na may malinis na konsensya.
Ang temporary visa na ibinigay kay Fox ay mapapaso na sa loob ng 59 araw mula ng ito ay ibigay noong Setyembre 5.
Magugunitang inatasan ng BI na palayasin sa bansa ang madre dahil sa pakikisali nito sa mga kilos protesta kontra gobyerno.
Nilinaw naman ni Fox na ang mga ginagawa nito ay bahagi lamang ng kaniyang missionary work bilang church worker ng Sisters of Our Lady of Sion.
Facebook Comments