Dennis Padilla, inaming may galit sa mga bashers ni Julia

Inamin ng actor-comedian na si Dennis Padilla na nagkaroon siya ng galit sa mga bashers ng kanyang anak na si Julia Barretto.

Tuloy-tuloy kasi ang matinding pambabatikos kay Julia partikular sa social media matapos ang hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Matatandaang naging kontrobersyal ang isyu matapos ang hiwalayan nina Julia at ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia.


Ayon kay Dennis – sinabihan niya ang kanyang anak na magbakasyon muna at iwasan munang maging active sa social media.

Dagdag pa ni Dennis – may mga oras daw na pumapasok sa kanyang isipan na gusto niyang isa-isahing puntahan ang mga bahay ng mga nambabatikos kay Julia.

Aniya, hindi naman daw siya nangingialam sa nasabing isyu kundi ipinagtatanggol niya lang si Julia bilang isang ama.

Sa kabila nito, nirerespeto pa rin daw ni Dennis ang naging desisyon nina Julia at Joshua dahil naging maayos naman ang paghihiwalay ng dalawa.

Facebook Comments