Dennis Trillo, waging "Best Actor" sa MMFF

Wagi bilang “Best Actor” sa katatapos lang na 2018 Metro Manila Film Festival awards night si Dennis Trillo.

Ito ay dahil sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang “One Great Love” kasama sina Kim Chiu at JC De Vera.

Gayunman, hindi nakadalo sa awards night ang aktor dahil may sakit kaya ang manager niya na si Popoy Caratitivo ang umakyat sa stage para tanggapin ang award.


Bukod dito, nasungkit din ng kanilang pelikula ang 3rd Best Picture Award.

Karamihan naman sa mga parangal ay hinakot ng pelikulang “Rainbow Sunset” kabilang ang Best Picture Award, Best Production Design, Best Director (Joel Lamangan), Best Actress (Gloria Romero), Best Suporting Actor (Tony Mabesa), Best Supporting Actress (Aiko Melendez), Best Screenplay (Eric Ramos), Best Original Theme Song (Sa’yo Na) at ang mga special jury prize.

Facebook Comments