Aminado ang pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na walang kakayahan ang ahensya sakaling magkaroon ng forest fire sa bansa.
Sa ginawang budget briefing ng Committtee on Appropriations, nagisa nang husto ang mga opisyales ng DENR kung saan natalakay ang usapin ng sunog sa mga kagubatan.
Aminado si Biodiversity Bureau Director Leonardo na wala pa silang mga kagamitan kung papaano matugunan sakaling magkaroon ng forest fire sa bansa pero ginagawan na nila ng paraan at bahagi ng kanilang mga pagsaliksik kung papaano maaapula agad ang apoy sakaling magkaroon ng forest fire kagaya ng mga nangyayari sa ibang bansa.
Sa usapin naman ng pagtatapon ng mga medical waste, aminado ang DENR na nag-increase ang porsyento ng mga itinatapong medical waste kaya’t nakikipag-ugnayan na sila sa Local Government Unit (LGU) upang gumawa ng Memorandum of Agreement hinggil sa naturang problema.