DENR-ARMM, kinilala ang mga sundalong katuwang nila sa pagpapatupad ng total log ban!

12 mga sundalo ng 37th Infantry Battalion ng Philippine Army ang
pinarangalan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR-ARMM).

Sinabi ni DENR-ARMM Sec. Kahal Kedtag, malaking tulong sa tagumpay ng
ahensya sa pagpapatupad ng total log ban sa rehiyon ang kasundaluhan.

Kamakailan lamang ay naharang at nasabat ng mga sundalo at ng kapulisan
ang halos 6,000 bd ft ng mga illegal na troso sa bayan ng Parang sa
Maguindanao.


Nagiging katuwang din ng DENR-ARMM ang militar sa greening program nito sa
pamamagitan ng tree planting activities at sa kampanya hinggil sa
kahalagahan ng pagprotekta at pagpreserba ng kagubatan.

Maituturing na tagumpay ang DENR-ARMM sa pagpapatupad nito ng Executive
Order 001 o Total Log Ban na inisyu ni ARMM Gov. Mujiv Hataman noong 2013
makaraang umangat sa 6.8% ang forest cover ng ARMM.

Ang tagumpay na ito ay bunsod ng pagtutulungan ng departamento, forest
protection officers at iba pang stakeholders, ayon pa kay Sec. Kedtag.

Facebook Comments