Pinuri ni DENR-ARMM Sec. Hadji Kahal Q. Kedtag ang Sobreviñas Survey and Engineering Services dahil sa mga modernong engineering apparatus nito na tinawag na ‘RTK’.
Ang pinakabagong land engineering device ay gagamitin para sa land survey sa mga bayan sa Maguindanao bilang bahagi ng ‘Free Land Titling and Survey’ project ng departamento.
Umaasa si Sec. Kedtag na mas madaling matapos ang proyekto dahil sa RTK.
Ang ‘RTK’ o Real-Time Kinematic apparatus ay nag-iipon ng eksaktong datos sa mas maikling panahon.
Bunsod nito mas mapapadali ang mga pagsisikap ng regional government na matuldukan na ang ‘Land disputes’ na nakakaapekto hindi lamang sa mga sangkot dito kundi sa rehiyon sa kabuuan.
Bigo ang mga inisyatibo ng gobyerno dahil sa armed conflicts na nag-uugat sa unsettled land ownership dagdag pa ni Sec. Kedtag.
DENR-ARMM, mas pinadali ang Land Survey and Titling project sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya!
Facebook Comments