“Ayaw namin sa droga dito sa bayan ng Datu Saudi. Gusto namin ng malinis na kapaligiran, kalusugan at maayos na kalikasan”, ito ang slogan ng Datu Saudi-Ampatuan LGU sa lalawigan ng Maguindanao sa isinagawang clean-up drive bilang bahagi ng pagkatig nito sa Solid Waste Management Plan.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni Provincial Environment and Natural Resources Officer ng Maguindanao, Doming Dagadas, tinitiyak ng DENR-ARMM na ang bawat munisipyo sa ilalim ng pamamahala nito ay sumusunod sa mga probisyon sa ilalim ng Republic Act 9003 o ang Solid Waste Management Plan.
Dito ay inaatasan ang LGUs na mag-adopt ng systematic, comprehensive at ecological solid waste management program.”
Kamakailan ay pinangunahan at sinuportahan ni ARMM-DENR Regional Secretary Hadji Kahal Q. Kedtag ang clean-up activity ng bayan ng Datu Saudi-Ampatuan kung saan namahagi din ito ng malalaking trash bins.
DENR-ARMM, patuloy sa pagpapalaganap ng epektibong solid waste management!
Facebook Comments