DENR at Cebu Provincial Government, dapat resolbahin ang dolomite supply issue – Palasyo

Pinayuhan ng Malacañang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu na mag-usap at resolbahin ang kontrobersyal na dolomite supply para sa Manila Bay Rehabilitation Project.

Nabatid na ipinahinto ng Cebu Provincial Government ang extraction at pagbiyahe ng dolomites patungong Manila City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring makipag-ugnayan ang provincial government kay Environment Secretary Roy Cimatu kung mayroon silang mga concern.


Aniya, madaling lapitan si Cimatu lalo na siya ang tumulong sa probinsya noong nagkaroon ng problema.

Gayumpaman, iginagalang ng Palasyo ang desisyon ng Cebu na ihinto ang dolomite mining.

sinabi ni Roque na ang desisyon ng Cebu laban sa dolomite mining ay hindi konektado sa isyu ng legalidad hinggil sa Manilay Bay Rehabilitation Project.

Tiwala si Roque na naaayon sa batas ang proyekto.

Facebook Comments