Iinspeksyunin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Health (DOH) ang pinaglibingan ng nasa 500 pinatay na baboy sa Antipolo, Rizal.
Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) Director Ronnie Domingo, kinailangan kasing mailibing ng mabilisan ang mga baboy.
Sinabi naman ni DOH-Calabarzon Director, Dr. Ed Janairo, dapat lagpas sa 25 Metro ang layo ng hukay sa daluyan o pinagkukunan ng tubig para hindi makaapekto sa kalusugan ng mga tao ang pag-agnas ng mga baboy.
Para naman kay Environment Usec. Benny Antiporda, pag-aaralan nila ang lalim ng hukay at distansya nito hindi lang sa ilog kundi maging sa kabahayan.
Base sa patakaran ng DENR at BAI, dapat anim na talampakan ang lalim ng mga pinaglilibingan sa mga kinakatay na baboy.