DENR at DPWH, inatasan ni Pangulong Duterte na imbestigahan ang quarrying activities sa Guinobatan

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang quarrying operations sa Guinobatan, Albay kasunod ng pinsalang iniwan ng Bagyong Rolly.

Ito ang kautusan ng Pangulo matapos ang kaniyang aerial inspection at pagbisita sa bayan kahapon.

Ayon kay Pangulong Duterte, ipinag-utos na niya kina Environment Secretary Roy Cimatu at Public Works Secretary Mark Villar na silipin ang reklamo ng mga residente at Local Government Units hinggil sa quarrying activities sa lugar.


Pagtitiyak din ng Pangulo sa mga residente ng Guinobatan na maaari nilang ipaabot ang kanilang reklamo sa dalawang kalihim.

Bilang tugon, siniguro ni Villar na sisilipin nila ito habang pinasuspinde na ni Cimatu ang quarrying operations sa lugar.

Facebook Comments