DENR at EDC, nagsanib-pwersa sa pagprotekta sa 11 native trees

Nag-partner ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pamamagitan ng Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) at ang Energy Development Corporation (EDC) para sa inisyatibong pangalagaan ang 11 most critically endangered native tree species.

Isinapormal ang partnership ng dalawang tanggapan sa pamamagitan ng Memorandum of Understanding (MOU) na pinirmahan ni ERDB Director Henry Adornado at Energy Development Corporation (EDC) corporate support function group head and Assistant Vice President Regina Victoria Pascual.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, sa pamamagitan ng MOU ay magagawa ng ahensya na maprotektahan at maparami ang mga native tree species na mahalaga sa biodiversity.


Kabilang sa mga punong kanilang pararamihin ay kadalis narig, malayakal, Mindanao narek, pinulog, Palawan narig, narig laot, kanining peneras, Cagayan narek, pianga, mapilig and Samar gisok.

Magsasagawa ng conservation of species sa kanilang natural habitats, na ikinokonsiderang mas mainam na paraaan sa pangangalaga ng biodiversity.

Facebook Comments