DENR, binigyang pagkilala ang Manila Bay rehab volunteers at partners

Kinilala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga volunteer at partner na nagbigay ng makabuluhang kontribusyon sa cleanup at rehabilitasyon ng Manila Bay.

Kabilang sa mga binigyan ng rekognisyon ay Local Government Units, mga private organizations, river rangers, at indibidwal mula sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Luzon dahil sa kanilang aktibong partisipasyon sa Manila Bay rehabilitation program.

Kinilala rin ang Wild Bird Club, Asian Terminal Inc., Barangay 412, Sampaloc, Manila at Environmental Planner Jason Villeza dahil sa kanilang inisyatiba na maglagay ng trash traps at mag-organisa ng cleanup drives, tree planting activities, at education campaigns sa Metro Manila.


Kinilala rin ang river rangers ng Bacoor City, Cavite City at mga munisipalidad ng Naic, Kawit, Noveleta sa probinsiya ng Cavite dahil naman sa kanilang ginawang pagtanggal ng illegal structures sa creeks, rivers, estuaries at iba pang daluyan ng tubig.

Kabilang din sa kinilala ang LGUs ng Balanga, Bataan; Marilao, Bulacan; Sasmuan, Pampanga; Palayan, Nueva Ecija; at Pampanga bilang katuwang ng DENR sa pagsisikap na rehabilitasyon sa Central Luzon sa pamamagitan ng clean up drives at implementasyon ng solid waste management initiatives.

Facebook Comments