DENR, bumuo ng Task Force Naujan Oil Spill; kongkretong hakbang para protektahan ang marine ecosystem, binabalangkas na

Bumuo na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Task Force Naujan Oil Spill kasunod ng emergency meeting nito sa Philippine Coast Guard (PCG), Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor, at kay Naujan Mayor Henry Joel Teves.

Itinalaga naman ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga si Undersecretary at Chief of Staff Marilou Erni bilang Task Force Commander.

Si Undersecretary Erni ay naging corporate ground response coordinator sa nangyaring Guimaras Oil Spill noong 2006.


Ang Philippine Coast Guard (PCG), partikular ang Marine Environmental Protection Command, ang lead agency sa response operations.

Nakapagsagawa na ang EMB ng water sampling sa tatlong munisipalidad, ang Naujan, Pola, at Pinamalayan.

May 21 na locally-managed marine protected areas ang apektado ng oil spillage.

Kabilang sa mga potential risk area ay ang seagrass beds, mangroves, at dispersion pathways para sa pangitlugan ng isda o spawned fish larvae.

Nakikipag-ugnayan na ang DENR sa mga eksperto at sa mga Local Government Unit upang makapaglatag na rin ng kongkretong hakbang o long-term risk management strategy para sa mga affected area at upang hindi na maulit ang naturang marine incident.

Facebook Comments