Itinanggi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonio Yulo-Loyzaga, na may kinatatakutang siyang maimpluwensiyang tao kaugnay sa Manila Bay reclamation projects.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Senator Cynthia Villar sa pagdinig sa Senado, na natatakot ang kalihim sa mga maimpluwensyang tao na nagtutulak sa reclamation projects sa Manila Bay.
Sa press briefing sa Malacañang, mariing sinabi ni Loyzaga na — hindi siya madaling takutin at agad na natitinag.
Aniya, marami na siyang nakatrabaho at nakasama sa konsultasyon tulad ng mga environmental advocates at multi-stakeholders at alam ng mga ito ang kaniyang paninindigan.
Dagdag pa ni Loyzaga, na sinusunod lamang nila ang kanilang mandato at ginagawa ang trabaho.
Wala namang tinukoy na pangalan si Loyzaga na umano’y kinatatakutan niya.
Samantala, nagpasalamat naman ang kalihim kay Senator Villar para sa kanilang naging interaksyon.