DENR Community Pan-Tree, muling nagbukas

Para sa mga hindi umabot sa opening ng Comunity Pan-Tree ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong April 22, may pagkakataon pa kayong libreng makapag bitbit ng mga punlang punong-kahoy.

Ayon kay Jacqueline Caancan, Regional Executive Director, abot sa mahigit isang libong punla ng fruit-bearing trees ang kanilang ipapamahagi ngayong araw.

Kabilang sa mga ipinapamahagi ay mga punla ng suha, chico, atis, avocado, bignay, bayabas, rambutan at santol.


Bawat katao ay makakapag-bitbit ng limang species ng fruit-bearing tree.

Aniya, dalawang araw silang magpapamahagi ng namumungang punong-kahoy.

Ito’y bukas ngayong araw, April 27 at sa 29, 2021, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali, sa DENR-NCR Technical Services compound, North Avenue, Diliman, Quezon City.

Facebook Comments