DENR, dismayado sa tone-toneladang ladang basura na iniwan sa Rizal Park pagkatapos ng araw ng Pasko

Ikinadismaya ng Department of Environment and Natural Resources ang iniwang tone-toneladang basura ng mga nagdiwang ng Pasko sa Rizal Park.

Ayon kay DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny Antiporda, sinasalamin nito ang kawalan ng pakialam ng mga Pilipino sa kapaligiran.

Ayon sa ulat ng National Parks Development Committee, 50 metric tons ng basura ang nahakot sa Rizal Park sa pagitan ng hapon ng Disyembre 25 at umaga ng Disyembre 26.


Ito ay sa kabila ng walang-patid na pag papaalala ng DENR, ibang ahensya ng pamahalaan, at environmental groups na panatilihing malinis ang mga public parks at places sa panahon ng Kapaskuhan.

Facebook Comments