DENR, gagamit ng AI para mabawasan ang epekto ng sakuna

Gagamit na rin ng AI o Artificial Intelligence ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa disaster risk reduction.

Naniniwala ang ahensya na sa pamamagitan ng mga teknolohiyang ito ay mapapalakas ang prediksiyon sa sakuna at kahandaan at pagtugon dito.

Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, sa mga nakalipas na taon ay naiangat na ng Pilipinas ang disaster management nito sa pamamagitan ng AI-powered tools.


Kabilang na rito ang mga inisyatiba sa ilalim ng GeoRisk Philippines na isang multi-agency initiative na pinangungunahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST).

Ito ay binuo upang magkaroon ng pamamaraan at plataporma para maibahagi ang epekto ng panganib, pagkalantad at iba pang impormasyon na matulungan ang mga tao, komunidad, lokal na pamahalaan, national agencies na makapaghanda at makapagplano kung paano mababawasan ang epekto ng natural hazards.

Kabilang sa susubukang magamit ay ang mga unmanned aerial vehicle (UAVs), satellite technologies, at local and indigenous knowledge na magpapabuti sa weather forecast at risk assessment.

Facebook Comments