DENR, gagamit ng drones sa pagmonitor ng emission level sa mga industrial areas sa Metro Manila

Manila, Philippines – Gagamit na ng drone ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pag-monitor ng emission levels sa mga industrial areas sa Metro Manila.

Layon nito para matukoy ang mga lugar na pinagmumulan ng air pollution at mabigyan ng kaukulang atensyon ng pamahalaan.

Ayon kay DENR Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs Jonas Leones, magiging katuwang ng DENR ang Clean Air Philippines Movement Inc. para sa deployment ng drones na may kakayahan na ma-detect ang air pollution sa ilalim ng bagong lunsad na programang Clean Air Patrol.


Suportado ng programa ang mahigpit na implementasyon ng environmental laws, tulad ng Republic Act No. 8749, o Clean Air Act of 1999.

Sinabi pa ni Usec. Leones, sa pamamagitan ng drones matutukoy na ang mga factories, refineries at power plants kung alin dito ang nagbubuga ng polusyon sa kapaligiran na paglabag sa environmental laws.

Batay sa datos, may kabuuang dalawampung libong industrial companies sa buong bansa ang mahigpit na minomonitor ng DENR.

Facebook Comments