DENR, hihintayin ang kumpas ng DFA sa isyu ng pagtatapon ng human waste sa WPS

Nakadepende umano sa kumpas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang magiging aksyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isyu ng pagtatapon ng human waste sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Ito ang nilinaw ni DENR Secretary Roy Cimatu.

Ani Cimatu, hihintayin nila ang susunod na hakbang ng DFA at nakahanda silang makipagtulungan kung kinakailangan.


Aniya, may pandiplomatikong aspeto ang isyu kung kaya’t dapat umaalinsunod dito ang kanilang tugon.

Dagdag pa ng opisyal, tahimik na naman silang nagve-verify at nakahanda nilang ibigay ang resulta nito sakaling hingin ng DFA.

Facebook Comments