DENR, hinikayat ang mga Pilipino na labanan ang Climate Change ngayong Earth Day

Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magkaisa na labanan ang pagkasira ng kalikasan at pagbabago ng klima kasabay ng anibersaryo ng Earth Day ngayong araw.

Ang tema ng Earth Day ngayong taon ay: “Doing our Fair Share to Restore the Earth.”

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, malaki ang papel ng bawat Pilipino sa pagtugon sa Climate Change at iba pang environmental issues sa harap ng global health crisis.


Ang bawat isa aniya ay pwedeng maging bahagi ng solusyon lalo na kung ititigil ang mga aktibidad na makakasira sa kalikasan.

Ang pagtitipid sa pagkonsumo ng tubig, kuryente at maayos na pagtatapon ng basura at pagsusulong ng eco-friendly lifestyle ay kabilang sa mga maaaring gawin ng mga tao para makatulong sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang DENR ay aktibong nagsusulong ng reforestation, river at coatal cleanups at biodiversity conversation at solid waste management.

Facebook Comments