Nakiusap ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga kandidato at supporters na proteksyunan ang kapaligiran kapag may ginagawang political rallies.
Ginawa ni DENR acting Secretary Jim Sampulna ang apela kasunod ng ulat na gumagamit ng mga paputok at lobo ang ilang political rallies.
Paliwanag ni Sampulna ang pagpapalipad ng lobo at paggamit ng paputok ay nakakapinsala hindi lamang sa kapaligiran kundi maging sa wildlife.
Posible ring makain ito ng marine turtles, whales, dolphins at isda na magiging dahilan ng internal injuries at pagkamatay ng mga ito.
Dagdag pa ng kalihim na ang fireworks naman ay nagtatapon ng kemikal at heavy metals sa kalawakan na maaaring makapinsala sa katawan ng tao kapag ito ay nalanghap.
Facebook Comments