Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Philippine Coast Guard (PCG) na mahigpit na i-monitor ang sewage discharge ng mga marine vessel.
Ayon kay DENR Undersecretary at Manila Bay Anti-Pollution Task Force Head Benny Antiporda, sa pamamagitan nito ay mas magiging epektibo ang implementasyon ng Manila Bay Rehabilitation Program.
Iminungkahi ni Antiporda ang pangangailangan na magkaroon ng mas maayos na data monitoring at reporting ng sewage marine discharge.
Sa kasalukuyang mga batas at regulasyon na may layuning protektahan ang marine ecology, ang mga barko na nagtatapon ng “comminuted” o disinfected/treated sewage ay kinakailangang may layong mahigit sa 4 nautical miles mula sa pinakamalapit na shoreline.
Habang mga barko naman na nagtatapon ng hindi “comminuted” o disinfected/treated na sewage ay kinakailangang may layong mahigit sa 12 nautical miles mula sa pinakamalapit na shoreline.