DENR, humiling sa kamara na magpasa ng batas sa pagkakaroon ng Enforcement Bureau para sa pangangalaga ng kagubatan

Nanawagan si Environment Sec. Roy Cimatu sa Kamara na magpasa ng batas na magtatakda ng Enforcement Bureau na tututok sa pangangalaga ng mga kagubatan sa buong bansa at sa mga forest rangers.

Ito ay kasunod ng pagkasawi ng isang forest ranger na pinagtatataga ng mga illegal loggers hanggang sa mapatay.

Sa budget hearing sa Kamara, aminado si Cimatu na wala silang kakayahan na protektahan ang kanilang mga sarili lalo na upang matiyak na mapapangalagaan ang mga kagubatan sa bansa.


Bukod sa kulang sa gamit, kakaunti lamang ang mga forest rangers at hindi pinapayagan na magdala ng armas.

Sakaling magkaroon ng Enforcement Bureau na magbibigay proteksyon sa mga kagubatan at sa mga forest rangers ay tiyak na magagawa nilang maipatupad ang mga batas tulad ng clean air act at pagbabantay sa mga kagubatan.

Facebook Comments