DENR, idinepensa ang pagtatanggal ng ban sa open-pit mining sa bansa

Nagpaliwanag ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung bakit muling pinayagan ang operasyon ng open-pit mining sa bansa matapos ang 4 na taon.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DENR Usec. Jonas Leones na base sa ginawa nilang pag-aaral, sumunod na sa mga kondisyon ang mga kompanya ng pagmimina.

Ayon kay Leones, may inilatag na mga polisiya at rehabilitasyon ang mga mining company para protektahan ang kalikasan at maging ang kaligtasan ng mga tao.


Tiniyak pa nito na kapag lumabag ang mining companies sa inilatag na kondisyon, hindi magdadalawang-isip ang gobyerno na muli silang patigilin sa operasyon.

Paliwanag pa nito, dagdag kita din kasi ang mining industry lalo na’t bumagsak ang ekonomiya ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Inaasahang ₱120 billion ang magiging kita ng pamahalaan sa 4 na kompanya ang papayagan muling makapag-operate matapos ma-lift ang ban sa open-pit mining sa bansa.

Facebook Comments