Tutugunan ng Green Economy Program ang problema sa solid waste management ng Pilipinas at maging ng European Union.
Ito ang binigyang diin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga sa Press briefing sa Malacañang.
Ayon sa kalihim, ang Pilipinas ay lumilikha ng 61,000 metriko toneladang solid waste o basura kada araw.
Dalawangput apat na porsyento dito ay plastic waste.
Paliwanag ni Secretary Yulo na sa ilalim ng Green Economy Program ay inaasahang mabubuo ang polisiya na babatay sa extended producer responsibility law.
Sisikapin aniya nilang pigilan na makarating sa karagatan ang plastic waste.
Tinukoy rin ng kalihim ang reprocessing at repurposing ng plastic waste upang magkaroon pa ito ng pakinabang sa ekonomiya.
Punto pa ng kalihim, kinakailangan ng whole society approach sa problema sa solid waste management.
Kailangan aniyang magtulungan ang pribadong sektor, mga negosyante, lokal na pamahalaan na nagpo-produce ng mataas na volume ng basura.