Nakiisa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 1 sa sabayang tree at bamboo planting activity ngayong Setyembre 18, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month.
Ayon sa DENR-1, umabot sa 1,700 bamboo propagules ang naitanim sa kabuuang 9.4 ektarya sa iba’t ibang planting sites sa rehiyon. Nagtulungan dito ang mga personnel ng ahensya at iba pang partner stakeholders.
Layon ng aktibidad na palakasin ang kamalayan sa kahalagahan ng kawayan bilang likas-yaman na nakatutulong sa kalikasan at nagbibigay ng oportunidad sa kabuhayan.
Batay sa Proclamation No. 1401 s. 2022, ipinagdiriwang tuwing Setyembre ang Philippine Bamboo Month upang itampok ang benepisyo ng kawayan para sa kapaligiran at ekonomiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









