DENR, inilatag ang magiging kontribusyon nito sa ilalim ng new normal

Tutulong na rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagsisikap ng gobyerno na ibangon ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng new normal.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, target nila na magamit ang 30% ng kanilang pondo na laan sa paglaban sa COVID-19 sa pagkakaloob ng kabuhayan para sa mga Pilipino.

Napapanahon aniya ito dahil mayroong Balik-Probinsiya program ang pamahalaan.


Aniya, maaaring mabigyan ng kabuhayan ang bawat pamilya para sa Tree Planting program ng ahensya.

Kung dati ay indibidwal ang pakikilahok sa National Greening program, ngayon ay ibibigay ito sa buong pamilya.

Maaari din makapagtrabaho ang mga ito sa ginagawang dredging o paghuhukay ng mga ilog sa mga lugar na bahain.

Ang iba naman ay maaaring maimpleyo bilang mga estero warriors.

Sa katunayan ayon sa kalihim, layunin nila na gawing makabuluhan ang selebrasyon nito sa ika-33rd na anibersaryo sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho sa mga kasambahayan sa bansa.

Ang paksang diwa ng anibersaryo ay “Fighting COVID-19 with Vigilance”

Facebook Comments