DENR, ipinaalala sa publiko ang tamang pagtatapon ng basura

Nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na ugaliin ang proper waste management o tamang pagtatapon ng basura ngayong holiday season.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, mahalagang ipinaghihiwalay ang nabubulok, recyclable, at special waste tulad ng ilang medical at healthcare items.

Ang mga food waste ay dapat inilalagay sa nabubulok habang ang mga containers nito tulad ng lata, plastic ay nasa recyclables.


Ang mga gamit na face masks, gloves, face shields at iba pang healthcare wastes ay inilalagay sa household healthcare waste, habang ang mga baterya, charging cables at iba pang electrical at electronic equipment ay inilalagay sa hazardous waste.

Sinabi naman ni Environment Undersecretary Benny Antiporda, ang mga product packaging ay dapat inilalagay sa non-recyclable materials lalo na at in-demand ang online shopping at food delivery ngayong pandemya.

Para mabawasan ang holiday trash, hinikayat ang publiko na magdala ng reusable bags o eco-bags kapag mamimili.

Facebook Comments