DENR, ipinaalerto na ang lahat ng regional offices nito dahil sa banta ng forest fires

Pinaaalerto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng regional offices nito dahil sa forest fires.

Ito ay bilang paghahanda sa epekto ng El Niño na nagpapataas ng insidente ng sunog sa kagubatan.

Inatasan ang executive directors ng 16 na DENR regional offices na magsagawa ng region-wide assessment at mag-update hinggil sa kanilang forest protection plans.


Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu – nararapat lang na nakahanda ang kanilang mga tauhan para tumugon sa mga insidente ng grassfires at maiwasang kumalat pa ito sa mga kalapit na gubat.

Ang mga kagamitang kakailanganin ay naipadala na sa 74 na provincial environment and natural resources offices at 140 community environment and natural resources offices sa buong bansa.

Facebook Comments