DENR, ipinag utos ang araw-araw na paglilinis sa Manila Bay

Ipinag-utos ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) ang araw-araw na pagsasagawa ng paglilinis sa Manila Bay.

Ito’y kaugnay sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay, kabilang sa rito ang bahagi ng Baywalk at Baseco Area.

Ayon kay Denr Sec. RoY Cimatu, nais niyang makita ang partisipasyon ng mga empleyado ng ahensya ngayong taon.


Naglabas na ang DENR ng demo para sa daily clean up drive na magtatagal hanggang January 10.

Inaasahang nasa 150 officials at employees ng ahensya ang ipakakalat sa Manila Bay at Baseco Beach.

Facebook Comments