DENR, Ipinag-utos ang mabilis na Rehabilitasyon sa Cagayan River

Cauayan City, Isabela- Agad na pinakikilos ni DENR Sec. Roy A. Cimatu ang pagsasagawa ng rehabilitasyon sa Cagayan river.

Ito ay upang maiwasan ang kaparehong naranasang malawang pagbaha dulot ng nagdaang kalamidad sa rehiyon dos partikular sa lalawigan ng Cagayan.

Sa ginawang pagpupulong, napagkasunduan ng DENR at DPWH ang mabilis na hakbang sa pagsasaayos gaya ng dredging.


Ipinag-utos rin sa pangrehiyong tanggapan ng DENR na magsagawa ng inisyal na hakbang gaya ng residential survey, farmlands at build-up areas habang hiniling naman sa DA ang paghahanap ng alternatibong pagkakakitaan para sa mga residente na maapektuhan ng kanilang taniman.

Hinimok din ng ahensya ang suporta ng local chief executives sa bayan ng Alcala, Gattaran at Lal-lo sa gagawing relokasyon sa mga matinding tinamaan ng kalamidad.

Samantala, buong puso namang susuporta si Cagayan Governor Manuel Mamba para sa gagawing rehabilitasyon ng Cagayan River.

Facebook Comments