Pinasususpinde na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang quarry operations sa Guinobatan, Albay na hindi nakaligtas sa hagupit ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, na apat ang namatay at tatlo ang natabunan ng lahar deposits mula sa Bulkang Mayon.
Ang tubig ay dumausdos mula sa bulkan at umagos sa tatlong ilog kung saan nag-o-operate ang 11 quarries.
Sinabi ng kalihim na inabandona ng operators ang kanilang stockpiles sa gitna ng mga ilog na sumama sa lahar deposits at malalaking bato.
Ang 11 operators ay nabigyan ng permit ng provincial government pero suspendido muna ang kanilang quarry operation sa paligid ng bulkan.
Matatandaang pinapaimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang quarrying activities sa nasabing lugar.