Ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng panibagong pag-aaral para malaman kung ligtas o hindi ang paggamit ng dolomite rocks sa gitna ng isyu ng Manila Bay Rehabilitation.
Ang dinurog na dolomite rocks ang ginagamit sa Manila Bay nourishment project na inaasahang matatapos ng ahensya sa September 19.
Ayon kay Environment Usec. Benny Antiporda, magtatagal ng isa o dalawang linggo ang pag-aaral.
Nagkaroon na rin aniya ng pag-aaral noong nakaraang taon hinggil sa dolomite rocks noong nakaraang taon at lumabas na hindi ito mapanganib at naglalaman ng heavy metals.
Iginiit ni Antiporda na kinonsulta nila ang lahat ng kaukulang ahensya at mga eksperto bago simulan ang white sand project.
Una nang sinabi ng mga toxicologists na ang dolomite rocks ay maaaring maglabas ng heavy metals tulad ng mercury, arsenic, zinc at cadmium na maaaring magdulot ng sakit na nakakaapekto sa nervous at immune systems tulad ng lupus.