DENR, isusulong ang paglalagay ng mga sanitary landfill sa bawat congressional district sa bansa

Puntiryang makamit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)  ang paglalagay ng mga sanitary landfill sa bawat 248 congressional district sa bansa.

DENR spokesman at Undersecretary Benny Antiporda, kanilang isasama sa P7.2 bilyon budget para sa taong 2021 ang nasabing proyekto.

Ayon kay Antiporda, hindi nila naisama ang P7.2 bilyon nitong 2020 sa nasabing proyekto kaya umaasa siyang maihabol ito sa 2021.


Binigyang-diin ng opisyal na importanteng makapaglagay ng mga sanitary landfill sa bawat distrito dahil ang mga waste facility aniya sa bansa ay kulang na kulang at hindi sapat.

Gayunman, inamin niya na maituturing lamang na band aid solution ang sanitary landfills dahil ang hinahangad nilang waste-to-energy facilities ay masyadong mahal.

Giit ni Antiporda, ang pinakamabisang solusyon upang malutas ang problema sa mga basura ay ang sama-samang pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan, mga mambabatas, at sambayanan.

Facebook Comments