Nilinaw DENR na hindi nag-holiday break ang mga opisyal ng gobyerno sa Boracay kaya at nagkalat ang basura sa pamosong isla ng bansa.
Ayon kay DENR Spokesman Usec. Benny Antiporda, naging pahirapan ang paglilinis sa Boracay dahil sa bagyong Ursula.
Mismo aniyang mga tagapaglinis ay naging biktima rin ng kalamidad.
Aniya, bagamat nagsagawa sila ng paglilinis, may mga pasaway na establisyemento naman na inilabas ang mga basura nila na hindi nakolekta at ito ang napansin ng netizens.
Ani Antiporda, nagpasok na sila ng ilang dump truck mula Iloilo para ipalit sa mga trak na pangolekta ng basura na nasira noong tumama ang bagyo.
Tumutulong na rin aniya ang komunidad sa paglilinis subalit kailangan pa ng mas maraming tulong para mapanatili ang kaayusan sa Boracay.