DENR, kinalampag ng iba’t ibang grupo dahil sa malagim na trahedya sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro

Nagsagawa ng kilos-protesta sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR central office sa Quezon City ang ilang militanteng grupo.

Ito ay may kaugnayan sa nangyaring landslide sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro kung saan nalibing ng buhay ang 55 katao, mga kabahayan at ilang sasakyan.

Ang nasabing kilos-protesta ay pinangunahan ng grupong Gabriela, Bai Indigenous Women’s Network at Amihan National Federation of Peasant Women.


Ayon kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, kinokondena nila ang DENR sa malagim na trahedyang nangyari sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro na ang ugat umano ay ang pagmimina ng APEX mining company na nakaapekto sa mga residente sa naturang lugar ng nabanggit na lalawigan.

Sinabi pa ni brosas na kung hindi pinayagan ng DENR ang pagmimina sa lugar hindi mangyayari ang nasabing trahedya.

Idinagdag nito na ang malagim na insidente ay kanilang paiimbestigahan sa kongreso at para matulungan ang mga naiwang pamilya at mabigyan ng hustisya ang mga nasawi sa landslide.

Facebook Comments