Ipinahayag ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na pinahahalagahan nila ang pagmamalasakit para sa kapaligiran ng Pilipinas ng mga international celebrity na nakikilala na nagmamalasakit sa kalikasan.
Kasunod na rin ito ng ginawang paghimok ng Hollywood actor na si Leonardo DiCaprio kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na protektahan ang Masungi Georeserve sa Rizal.
Gayunpaman, iginiit ng DENR na walang sinuman ang exempted sa batas.
Sa isang pahayag, sinabi ng DENR na mananatili itong seryoso sa pagpapatupad ng mas pinalakas na compliance at enforcement capacities nito.
Sa ngayon ay dumadaan na sa proseso ang kaso ng Mansungi.
Ang mga may-ari ng MGF na siya ring signatory sa Joint Venture Agreements at Supplemental Agreement para sa paghahatid ng mga proyektong ng pabahay ng pamahalaan ay kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon.
Nilinaw rin ng ahensya na pagmamay-ari ng mamamayang Pilipino ang lugar na inookupahan ng Masungi Georeserve Foundation.
Ang paniningil sa publiko sa operasyon ng mga resort venue para sa mga day tour, meeting, at kasal ay nananatiling hindi umaalinsunod sa mga batas.