DENR, kinilala ang mataas na standard na ipinakita ni Gina Lopez noong siya ang kalihim ng ahensya

Kinilala ni DENR Secretary Roy Cimatu ang mataas na standard na ipinakita ni Gina Lopez noong siya ang naging dating Environment Secretary.

Sa isang kalatas pambalitaan, kinilala ni DENR Secretary Roy Cimatu ang pagiging matatag ni Lopez sa pagtutulak sa isang matuwid na adbokasiya sa pagprotekta sa kapaligiran.

Sa statement, tinawag ni Cimatu na huwaran si Lopez sa matapang na pagpapatupad ng walang kinikilingan na polisiya sa pangangalaga ng kalikasan.


Tumatak si Lopez sa hindi niya pagpapatibay sa harap ng kampanya niya para sa responsableng pagmimina.

Pinuri ni Cimatu ang  hindi pagpapatibay ni Lopez sa pagprotekta sa watershed areas at sa pagpapakilala ng ecotourism na lumikha ng trabaho sa mga maralita.

Facebook Comments