Target ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na malampasan ang nakamit ngayong 2020 sa ilalim ng flagship reforestation initiative ng gobyerno.
Sa ilalim ng 2020 Enhanced National Greening Program, abot sa 45,000 hectares ng nakalbong forestland ang nataniman ng 35.6 million seedlings o katumbas ng 95-percent accomplishment para sa 2020 target na 47,166 hectares.
Noong 2019, 19,617 hectares ang nataniman ng malalaking puno, 14 percent lang ng 2018 target na 136,466.
Ayon kay Cimatu, dinodoble na nila ang mga reforestation efforts ng ahensya para mapataas ang survival rates sa mga plantation sites.
Mula 2017 hanggang 2019, pinaigting pa ang protection and maintenance efforts sa may 369,371 ENGP plantations.
Mayroon namang 5,876 peoples’ organizations na nagsisilbi partners upang mapangalagaan ang mga itinanim na puno.