DENR, maglalabas ng memo para sa bagong sistema ng paghihiwa-hiwalay ng basura

Maglalabas ng bagong memorandum ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa ipatutupad na bagong waste management.

Kasunod ito ng mga ulat hinggil sa umano’y maling pagtatapon ng mga gamit nang face mask.

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, wala naman silang problema pagdating sa hospital waste dahil may regular na kumokolekta ng kanilang mga basura.


Ang problema aniya ay ang mga household waste.

Kaugnay nito, sa ilalim ng memo, gagawin nang lima ang waste segregation system, mula sa kasalukuyang apat na biodegradable, non-biodegradable, recycable, special waste at hazardous waste.

Ito ay para matiyak na rin ang kaligtasan ng mga garbage collector.

Facebook Comments