DENR, maglalagay ng 28 water filtration systems sa maliliit na island barangays ngayong 2025

Maglalagay ang Department of Environment and Natural Resources ng 28 water filtration system sa maliliit at lilblib na island barangays sa bansa ngayong taon.

Sa ginanap na post-SONA discussions, sinabi ni DENR Secretary Raphael Lotilla na layon nitong matugunan ang kakulangan sa tubig dahil sa epekto ng climate change.

Prayoridad na ilagay at itayo ang mga desalination plant sa mga barangay na walang pinagkukunang malinis na tubig.

Tanging sa Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar lamang isinasagawa ngayon ang water filtration dahil sa limitadong suplay ng malinis na tubig ilang taon na ang nakakalipas.

Facebook Comments