Sa gitna ng pangamba na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam, tiniyak ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) acting Secretary Jim Sampulna na maglalatag sila ng contingency plan upang maging sapat ang suplay ng tubig sa panahon ng tag-init.
Ayon kay Sampulna, ang National Water Resources Board (NWRB) ang mangunguna sa implementasyon ng mga gagawing hakbang.
Kabilang dito ang pagbabawas ng alokasyon ng tubig sa pangangailangan sa irigasyon at sa tahanan.
Pagsasaaktibo ng mga deep wells para sa paggamit ng Metropolitan Waterworks Sewerage and System (MWSS).
Ang pagsasagawa ng cloud seeding operations at pagsusulit ng paggamit ng water treatment plants na pag-aari ng water concessionaires tulad ng Maynilad at Manila Water.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, Jr., ang domestic water allocation na 48 cubic meters per second (cms) ay mananatili ngayong Marso dahil ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng tubig ay nakatutulong upang mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus.
Dagdag ni David, iba naman ang kaso ng irrigation sector dahil ang alokasyon ay nababawasan mula sa 20 cms to 15 cms kapag papalapit na ang panahon ng anihan.