DENR, magpapadala ng mission team sa Boracay

Manila, Philippines – Magpapadala ang Department of Environment and Natural Resources ng mission team sa isla ng Boracay na tututok sa mga problema sa kalikasan.

Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, nasa 50 ang miyembro ng mission team na mamahala sa rehabilitasyon at restoration ng Boracay.

Nauna nang nagbigay ng anim na buwang palugit si Pangulong Rodrigo Duterte para linisin ang nasabing isla.


Facebook Comments