Magtatalaga ang Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) ng halos 2,000 ‘Estero Rangers’ para magbantay laban sa mga iresponsableng pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, kailangan nang magkaroon ng overhaul sa disposal system sa Metro Manila.
Napansin nila na ang walang kumokolekta ng basura sa mga informal settler na nakatiral malapit sa mga estero kaya walang puknat din ang pagtatapon ng basura dito.
Dalawang Estero Rangers ang inisyal itatalaga sa 711 Barangays na dinadaanan ng mga estero at hindi naaabot ng mga truck ng basura.
Ang mga Estero Ranger ay i-eendorso ng kanilang Barangay Officials sa koordinasyon ng Dept. of Interior and Local Government (DILG).
Ang Estero Ranger ay makakatanggap ng sahod na nasa 8,500 Pesos para sa 5-day Work Week Schedule.
Inaatasan ang mga ito na magsagawa ng pagtatanggal ng basura sa mga estero at house-to-house garbage collection.
Magsisimula ang kanilang trabaho sa November 15.