DENR, magpapatupad ng ibang hakbang para maprotektahan ang public health sa Dolomite beach

Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resource (DENR) na magpapatupad ito ng ibat-ibang crowd management measures upang hindi na maulit ang biglaang pagdagsa ng mga bibisita sa Manila Bay Dolomite Beach, habang ito ay sarado hanggang Nobyembre 3.

Ayon kay retired Philippine Army Brigadier General Reuel Sorilla, ang bagong Manila Bay Task Force (MBTF) Ground Commander sa Dolomite beach, nagtalaga na sila ng Environment Law Enforcement and Protective Service (ELEPS) personnel bilang dag-dag na manpower para sa mas mahigpit na pagbabantay ng seguridad at pag-monitor sa lugar.

Aniya, upang maiwasan ang “crowding situation” sa Dolomite beach, bibigyan ang mga bibisita ng “stubs” katulad sa mga sinehan upang mabigyan sila ng parehas na tsansa na ma-enjoy ang beach.


Irerekomenda rin ang pagkakaroon ng special lane para sa mga persons with disabilities, pregnant women at senior citizens.

Pinag-aaralan na rin ang pagpapasara ng beach tuwing weekend o hanggang matapos ang second phase ng rehabilitasyon.

Magiging basehan nito ang desisyon ng MBTF at ang Alert Level status sa Metro Manila.

Facebook Comments