DENR, magtatanim ng forest trees, bamboo saplings sa Baseco Beach area

Nakatakdang magtanim ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng beach-type forest trees at bamboo saplings sa Baseco area sa Tondo, Manila.

Pinangunahan ni DENR National Capital Region (DENR-NCR) Regional Executive Director Jacqueline Caancan ang sourcing ng bamboo saplings na mula sa Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) office sa Los Baños, Laguna na gagamitin nila sa tree-planting project sa Baseco.

Ayon kay ERDB Director Henry Adornado, nasa 300 saplings na binubuo ng tatlong species kabilang ang Kauyang Tinik (Bambusa Blumeana), Kauayang Kiling (Bambusa Vulgaria) at Bayog (Bambusa Meriliana).


Sinabi naman ni Arturo Calderon, pinuno ng Production Forest Management Section ng DENR-NCR, ang tree-planting sa Baseco ay bahagi ng rehabilitation at cleaning efforts sa Manila Bay.

Ang hakbang na ito ay suportado rin ni Manila Mayo Isko Moreno para sa urban greening plan ng lungsod.

Bukod dito, plano ring magtanim ng 100 full-size beach forest trees sa Baseco ngayon taon.

Magtatanim din ng bakawan o mangroves sa loob ng lagoon sa Baseco area mapabuti ang kalidad ng tubig sa lugar.

Ang bakawan ang itinuturing na ‘first line of defense’laban sa daluyong o storm surges at nag-a-attract din ito ng migratory bird at pinalalago ang marin life kung saan nagsisilbing natural habitat ng mga isda.

Facebook Comments