CAUAYAN CITY – Muling pinapaalalahanan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga Lokal na Pamahalaan tungkol sa maayos na pagpapatupad ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.
Ayon sa ahensya, kinakailangan pang paigtingin ang implementsyon ng naturang batas bilang pangangalaga ng ating kalikasan.
Sa ilalim ng batas, nakasaad ang paggawa ng mga LGU ng solid waste management plan at ito’y aaprubahan naman ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC).
Hinikayat din ng ahensya ang paggamit ng mga recyclable materials at pinayuhan ang publiko na bawasan ang paggamit ng mga plastic kasabay ng pagpapaalala sa responsible at wastong pagtatapon ng mga garbage sa mga dapat na lalagyan.
Facebook Comments