Pinayuhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang publiko hinggil sa tamang pagtatapon ng face shield.
Ito ay matapos baguhin na ang panuntunan sa paggamit nito sa mga lugar na nasa Alert Level 1, 2 at 3 at magiging voluntary na lamang.
Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, recyclable material ang face shield kaya dapat itong itapon ng maayos.
Kailangan na ma-disinfect muna ang ginamit na face shield bago itapon dahil sa posibleng panganib sa mga mangongolekta nito sa basura.
Sa ngayon, pakiusap ng DENR sa mga lokal na pamahalaan na gumawa ng programa kung saan kokolektahin ang mga hindi na nagagamit na face shield para hindi na itapon kung saan-saan.
Facebook Comments